PATAY na nang matagpuan ang dalawang bata na nawawala noon pang Marso 27, sa Taguig City ngayong hapon.
Naaagnas na nang makita ang bangkay nina James Naraga, 3, at Dayne Buenaflor, 4, sa isang abandonadong kotse sa lumang garahe sa tapat ng barangay hall ng Barangay Wawa sa nasabi ring lungsod na positibong kinilala ng kani-kanilang mga magulang.
Nabatid na umalingasaw ang masangsang na amoy na nagmumula sa garahe kaya ipinalinis ito at doon na natuklasan ang mga bangkay.
Ayon kay Barangay Chairman Phillip Buenaflor, tiyuhin ng biktimang si Dayne, nasa likurang upuan ng sasakyan ang mga bata, isa rito ang nakadapa at ang isa’y nakaupo.
Una nang napaulat na isinuplong ng magulang ng mga bata ang pagkakawala ng mga biktima noong Miyerkules Santo na huling nakita ng magkapitbahay na naglalaro sa harap ng barangay hall.
Blangko pa naman ang mga awtoridad sa dahilan ng pagkamatay ng dalawang magkaibigang bata.
The post 2 batang nawawala, natagpuang patay appeared first on Remate.