DALAWANG kawatan ang nangholdap ng dalawang babae sa loob ng isang pampasaherong jeep Martes ng gabi sa kahabaan ng General Luna St., San Agustin, Malabon City.
Kinilala ng mga biktima na sina Janine Atanacio y Lanozo, 18, dalaga, sales lady, ng 2-B Ilang Ilang St., Tanza, Navotas at si Kathleen Santiago y Carullo, 29, service crew ng 9 Liwayway St., Brgy. Ibaba, Malabon.
Ayon sa ulat, dakong alas 11:00 ng gabi ng maholdap ang kanilang sinasakayang jeep ng dalawang hindi pa nakikilalang armadong kalalakihan.
Sakay ang mga biktima sa pampasaherong jeep na may plakang AZK- 578 patungong Gasak mula Recto at habang tinatahak ang nasabing lugar dalawang suspek na nagpanggap na pasahero ang naglabas ng patalim at baril at nagdeklara ng holdup.
Pagsapit sa Sigua St., mabilis na nagsipagtalunan at tumakas ang mga suspek tangay ang mga kagamitan ng biktima.
Malayang nakulimbat ng mga suspek ang mga shoulder bag ng mga biktima na naglaman na mga personal na gamit, cellphone at hindi pa batid na cash.
Humingi ng tulong ang biktima sa mga awtoridad. Sa isinagawang follow up operation ng mga pulis hindi na inabutan ang mga suspek.
The post Holdaper umatake sa Malabon, 2 dalaga nabiktima appeared first on Remate.