KALUNOS-LUNOS ang sinapit na kamatayan ng isang magbayaw matapos madiskubre ang kanilang mga bangkay na bukod sa pinagputol-putol ay sinunog pa sa Apayao, Kalinga.
Kaya naman sigaw ngayon ng pamilya ng mga biktimang sina Emerson Furuganan, 42-anyos at ang bayaw nitong si Reynante Menor, 44-anyos at kapwa residente ng Ipil, Tabuk, Kalinga ay katarungan dahil naniniwala silang biktima ng summary execution o sinalvage ang kanilang mahal sa buhay.
Blangko pa ang Apayao PNP kung ano ang motibo sa pagpatay sa magbayaw at kung sino ang may kagagawan ng malagim na krimen.
Bago ito, noong Hulyo 4 ay nagpaalam sa kanilang mahal sa buhay ang magbayaw para magpunta sa kanilang sakahan para magkatay ng aso na pupulutanin.
Pero simula noon, hindi na nakauwi ng bahay ang magbayaw at nitong nakaraang Hulyo 15 lamang ay natagpuan ang kanilang bangkay sa Brgy. San Jose, Flora, Apayao.
Bukod sa pinutol sa maliliit na parte ang katawan ng magbayaw ay sinunog pa ito. Kahit sunog na ang bangkay ay nakilala ng asawa ni Reynante na si Donna Mae ang kanyang mister, sa pamamagitan ng kasuotan nito at ang putol na daliri nito sa kamay.
Umaasa naman si Donna Mae na makakamit nila ang hustisya ng pagkamatay ng kanilang mga kaanak.
The post Bangkay ng magbayaw tsinaptsap na, sinunog pa appeared first on Remate.