SABOG ang nguso ng isang lalaki nang hambalusin ng dos por dos ng kapitbahay sa Caloocan City, Miyerkules ng madaling araw, Hulyo 16.
Limang tahi sa nguso ang inabot ni Alberto Abila, 47, ng Baltazar bukid mula sa nadakip na kapitbahay na si Erwin Cebrano, 29.
Sa ulat, dakong alas-12:30 ng madaling araw, nagwawala ang suspek sa kanilang lugar na inawat ng biktima.
Nagalit ang suspek at nang makakuha ng dos por dos ay hinambalos sa mukha ang biktima na naging dahilan upang dalhin sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center habang nadakip naman si Cebrano ng mga barangay tanod.
The post Lalaki sabog ang nguso sa kapitbahay appeared first on Remate.