Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Kelot sinaksak sa Valenzuela, tigbak

$
0
0

TODAS ang isang kelot nang saksakin ng isang lalaki sa Valenzuela City, Martes ng hapon, Hulyo 16.

Dead on arrival sa Valenzuela General Hospital sanhi ng saksak sa dibdib si Rico Robles, 46 ng Sta. Brigida St., Karuhatan ng lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis si Lester Lumabi, nasa hustong gulang ng San Jeremias St., Karuhatan ng lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-5 ng hapon, lasing na naglalakad ang biktima sa San Jeremias at nang matapat sa bahay ng suspek ay nakita ang pamangkin ni Lumabi na humihithit ng Marijuana na naging dahilan upang sigawan at sawayin.

Narinig ng suspek ang sigaw ng biktima at sa pag-aakalang inaaway ang pamangkin ay kinompronta si Robles na naging dahilan ng pagtatalo.

Umakyat ng bahay ang suspek at nang bumaba ay may dalang patalim at walang salitang tinarakan si Robles na naging dahilan upang dalhin sa VGH. Tumakas naman ang suspek.

The post Kelot sinaksak sa Valenzuela, tigbak appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>