SINIBAK na sa puwesto ni Philippine National Police (PNP) Chief Alan Purisima ang 14 na pulis na sangkot sa pagkamatay ng lider at tauhan ng Ozamis robbery holdup group.
Sa press conference ng PNP, lumabas na nilabag ng mga police escort ang kautusan ni Purisima na i-turnover sina Ricky ‘Kambal’ Cadavero at Wilfredo ‘Kulot’ Panogalinga sa Bureau of Corrections (BuCor) matapos ang press briefing noong Lunes nang muling mahuli sila.
Sa gitna ito ng imbestigasyon na inilunsad ng Department of Justice at PNP.
Nagtataka rin si Purisima kung bakit pina-inquest ang dalawa sa Laguna.
Sinabi ni Purisima na hindi naman National Bilibid Prison (NBP) ang Laguna.
Ibinulgar rin nito na iniimbestigahan na ngayon ng Internal Affairs Service (IAS) ng PNP kung bakit nagpupumilit si Kambal na dalhin siya kay Supt. Danilo Mendoza, hepe ng Regional Special Operations ng PNP-4A noong presscon sa Camp Crame.
Si Mendoza ang nakita sa closed circuit television (CCTV) video ng NBP na biglang umangkla kay Kambal at nagsakay dito sa isang van pagdating nila sa NBP matapos ang presscon.
Aminado naman si Purisima na malaking kawalan ang dalawa sa kaso.
The post 14 parak na sangkot sa pagkamatay ng 2 Ozamis robbery group, sinibak na appeared first on Remate.