TAKOT na naghain ng reklamo sa tanggapan ng Eastern Police District ang isang opisyal ng kompanya matapos na makatanggap ng pagbabanta sa pamamagitan ng text messages mula sa sinibak na empleyado kamakalawa ng gabi sa Pasig Cty.
Kinilala ni EPD Criminal Investigation Section chief P/C. Insp. Oscar Mansibang ang nagreklamo na si Maria Roxanne Tubile, 29 anyos, dalaga, marketing Officer ng Payroll Pinas Corporation na matatagpuan sa #1807 West Tower PSE Center, Ortigas Center, ng nasabing lungsod.
Inireklamo ng biktima ang kanilang dating empleyado na nakilalang si Walter Bill Gabay, nasa hustong gulang, may asawa.
Sa ulat, dakong alas-5:56 nang makatanggap ng text messages ang ginang sa loob ng kanilang tanggapan habang siya ay naghahanda ng kanyang mga kagamitan para umuwi.
Nakasaad sa text ang “ Makakabawi din ako sa inyo sa mga ginawa nyo sa akin, tandaan nyo yan” dahilan para magtungo ito sa himpilan ng pulisya.
Ayon sa biktima ang suspek ay sinibak dahil sa hindi maayos na performance sa kanyang trabaho subalit wala naman siyang alam na kasalanan dito.
Inihahanda na nang pulisya ang kasong grave threats laban sa suspek na ihahain sa piskalya.
The post Pagbabanta ng sinibak na empleyado, inireklamo appeared first on Remate.