Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Bebot nagpalaglag ng sanggol, arestado

$
0
0

ARESTADO ang isang 19 anyos na babae matapos na mabuking sa pag-abort ng kanyang fetus  kagabi sa Sta. Ana, Maynila.

Nasa kustodiya ngayon ng Children and Womens Desk ng MPD-Station 6 ang suspek na si  Maria Elizabeth Rivera, walang trabaho ng 2299 Bulacan St. Sta. Ana, Maynila.

Sa report ni Chief Insp/. Dondon Austria, hepe ng nasabing prisinto, inaresto si Rivera sa kanilang bahay ganap na alas 11:30 ng gabi.

Ayon sa testigong si Carla Ashley Montenegro, 19, ng 2270 Bulacan St. Sta. Ana at Nicole Maano, 19, ng 2210 Callejon ng nasabi ding lugar, dinala sa kanila ni Rivera ang fetus na tinatayang nasa 3 hanggang 4 na buwan pa lamang na nakalagay sa isang transparent na garapon.

Sa panayam kay Montenegro, sinabi nito na pinakiusapan sila ni Rivera na dalhin ang fetus sa Pope Pious Church upang malayo sa kanilang lugar.

Sinabi pa ng mga testigo na dapat anila ay sa Sta. Ana Church una nilang dadalhin ang fetus ngunit dahil usap-usapan na umano sa kanilang barangay ang pagbubuntis ng suspek ay nag-iba ito ng lokasyon sa Pope Pious.

Gayunman, habang naglalakad si Montenegro at Maano ay bigla silang nakonsensya at dinala na lamang ang fetus sa pulisya.

Ibinunyag din ng dalawa na kaibigan nila ang suspek at inamin sa kanila na uminom ito ng  Cytotec matapos na itanggi umano ng kanyang boyfriend ang kanyang dinadalang sanggol sa kanyang sinapupunan.

Dinala naman ang fetus sa St.Harold Funeral Homes para sa safekeeping.

The post Bebot nagpalaglag ng sanggol, arestado appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Trending Articles


EASY COME, EASY GO


RE: Mutton Pies (frankie241)


Pokemon para colorear


Sapos para colorear


The business quotes | Inspirational and Motivational Quotes for you


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


5 Tagalog Relationship Rules


“Mali man na ikaw ay ibigin ko, akoy iibig padin sayo”


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


HOY PANGIT, MAGBAYAD KA!


Girasoles para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Patama lines and Tagalog Quotes Pinoy Sayings


Tropa Quotes


Top 10 Best “Single” Tagalog Love Quotes


Re:Mutton Pies (lleechef)


Ka longiing longsem kaba skhem bad kaba khlain ka pynlong kein ia ka...


UPDATE SC IDOL: TWO BECOME ONE



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>