Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Hindi naimbita sa b-day, nanaksak

$
0
0

KRITIKAL ang 17 anyos na binatilyo matapos tarakan ng hindi pa nakikilalang kalugar na hindi umano naimbita sa kanyang birthday party kaninang madaling araw sa Pasig City.

Kinilala ni Pasig City chief of Police P/Supt. Mario Rariza ang biktima na si alyas “Meng” residente ng Tatco compound M.H Del Pilar St., Brgy. Palatiw ng nasabing lungsod.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-4:30 ng madaling araw sa Market Avenue cor. MH Del Pilar st. Brgy. Palatiw, Pasig City.

Nabatid na, nag-iinuman ang biktima at ang kanyang mga bisita nang maubusan sila ng yelo para sa kanilang inuming alak kung kaya’t lumabas ito para bumili.

Habang naglalakad ang biktima pabalik sa kanilang inuman ay isang lalake ang sumunod sa kanya at pagsapit sa madilim na lugar ay inundayan ng saksak ang binatilyo.

Dahil sa lasing na at may tama ay hindi na namukhaan ng biktima ang suspek na sumaksak sa kanya at humingi na lamang ng tulong para madala sa Pasig City General Hospital kung saan ito ngayon nakaratay.

Ayon sa ilang kainuman ng biktima, maaring isang kalugar na hindi naimbita sa inuman ang suspek sa pananaksak sa kanilang kaibigan.

Nagsasagawa na nang masusing imbestigasyon ang pulisya para malutas ang nasabing krimen.

The post Hindi naimbita sa b-day, nanaksak appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Trending Articles


Ka longiing longsem kaba skhem bad kaba khlain ka pynlong kein ia ka...


UPDATE SC IDOL: TWO BECOME ONE


Pokemon para colorear


Sapos para colorear


Love Quotes Tagalog


Two timer Sad tagalog Love quotes


Top 7 Lies of Boys


Re:Mutton Pies (lleechef)


Hato lada ym dei namar ka jingpyrshah jong U JJM Nichols Roy (Bah Joy) ngin...


EASY COME, EASY GO


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


HOY PANGIT, MAGBAYAD KA!


Girasoles para colorear


Presence Quotes – Positive Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tropa Quotes


“Mali man na ikaw ay ibigin ko, akoy iibig padin sayo”


RE: Mutton Pies (frankie241)


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.