KALABOSO ang isang mister matapos paghahampasin ng bote sa ulo at hita ang buntis na asawa sa Caloocan City, Huwebes ng umaga, Hulyo 18.
Nakilala ang suspek na si Ismael Macasandag, 26, ng Urbano Velasco, Pasig City.
Sa pahayag ng biktimang si Gracelyn, hindi nakauwi ang asawa at nang malaman na nasa makag-anak sa Esguerra st., Caloocan City ay pintuhan upang sunduin.
Nagalit ang suspek sa pagsundo ng asawa na naging dahilan ng pagtatalo hanggang sa makakuha ng plastic na bote at ihampas sa ulo at mga hita ng dalawang buwan buntis na asawa.
Humingi ng tulong sa mga pulis ang biktima na naging dahilan upang damputin ang suspek at dalhin sa presinto.
The post Buntis na misis hinambalos ni mister, kalaboso appeared first on Remate.