NASAMPOLAN ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Supt. Marcelo Garbo ang isang Pulis-Quezon City dahil sa pagiging mukhang sanggano nito sa isinagawang inspeksyon sa Commonwealth Ave. at palibot ng Batasang Pambansa kaninang umaga (Hulyo 18).
Kasabay ito ng ikinakasang paghahanda sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Noynoy Aquino sa darating na Lunes.
Personal na ininspeksyon ni Garbo ang formation ng mga tauhan ng QC Police Distirct (QCPD) Station 7 at minalas na napansin nito ang mahabang balbas ni PO1 Michael Castillano na aniya ay talo pa ang mukhang sanggano sa kalsada.
Bukod pa rito, hindi rin sinusunod ni Castillano ang tamang pagdadala ng kanyang uniporme dahil nakabukas ang butones ng uniporme nito.
Hindi naman nagpatumpik-tumpik pa at agad na inalis ni Garvo sa puwesto si PO1 Castillano at pinababalik na muna sa Camp Bagong Diwa sa Taguig at sinabihan na mag-ahit ng balbas nito .
Kasunod nito, nagbabala ang NCRPO chief sa lahat ng nasasakupan na umayos sa kanilang mga bihis bilang kagalang-galang na alagad ng batas, dahil bababa aniya siya sa mga istasyon ng pulis para siguruhing sumusunod sila sa proper grooming.
Samantala, napagsabihan din ang isa pang PO1 na hindi nakuha ang pangalan dahil naman sa may mahabang patilya na tila si Elvis Presley kung umasta.
The post Mukhang sangganong parak, nasampolan ni NCRPO chief Garbos appeared first on Remate.