Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

2 tripulante patay sa chemical poisoning

$
0
0

NALAGAS ang dalawang tripulante nang makalanghap ng sodium cyanide sa loob ng mismo ng kanilang MV San Felipe fishing boat sa Taytay, Palawan kaninang umaga (Hulyo 18)

Base sa imbestigasyon, unang pumasok sa storage ang biktimang si Rafael Ador ngunit hindi kinaya ang nalanghap kaya natumba at namatay.

Tinangka namang isalba si Ador ng kasamahan na si Japet Albina subalit ganun din ang sinapit nito.

Isinugod agad sa Taytay Hospital ang lima pang tripulanteng sina Wilson Gratones, Diosdado Leopoldo Jr., Danny Fernandez, Ferlon Limit at Cornelio Abelionar. Habang isinusulat ang balita ito ay nakaratay pa rin ang mga biktima sa nasabing pagamutan.

Hawak na ng Taytay Police ang kapitan ng lantsa at isasailalim sa imbestigasyon dahil sa posibleng pagdadala nito ng kemikal sa pangingisda.

Katwiran naman ng kapitan, posibleng may nakain lamang ang dalawang biktima na dahilan ng kanilang pagkamatay.

Galing sa Malabon ang nasabing fishing boat.

The post 2 tripulante patay sa chemical poisoning appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129