Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Klase sa QC suspendido sa araw ng SONA ni PNOY

$
0
0

SUSPENDIDO ang klase sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa elemetarya at sekundarya  sa Quezon City sa Lunes, Hulyo 22 kaugnay ng  State-of-the Nation-Address (SONA) ni Pangulong Benigno Aquino III.

Ipinag-utos kahapon ni QC Mayor Herbert Bautista ang suspensyon ng mga klase sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa lungsod Quezon para na rin sa kaligtasan ng mga mag-aaral sa lungsod.

Ang suspensyon ng klase ayon kay Bautista ay base sa mga rekumendasyon ng Quezon City Police District, QC division of city schools at QC department public order and safety para sa pangangalaga ng kaayusan at katahimikan kaugnay ng isasagawang SONA sa Lunes.

Inihayag ng alkalde ang kanyang desisyon sa isang pagpupulong ng QC executive committee sa QC Hall.

“Ang kaligtasan ng mga batang nagsisipag-aral at ang pagbibigay ng proteksyon sa kanila ay isang pangunahing tungkulin ng pamahalan ng lungsod,” sabi ni Mayor Bautista.

Sinabi rin niya na kailangang isuspinde ang mga klase upang matiyak na walang pagsisikip sa trapiko sa buong QC sa Lunes.

Wala ring pasok sa mga klase sa Batasan branch ng Quezon City Polytechnic University , ayon kay QCPU vice president for administration Melanie Pisig.

Ipinaubaya naman ng QC Hall sa Commission on Higher Education (CHED) ang pagpapasya kung isususpinde o hindi ang mga klase sa mga unibersidad at kolehiyo sa QC.

The post Klase sa QC suspendido sa araw ng SONA ni PNOY appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>