DISMAYADO sa kanilang pamamasyal sa bansa ang isang 23 anyos na turistang Korean national matapos na biktimahin siya ng pinaniniwalaang mag-asawa at tangayin ang kanyang mamahaling cellphone habang naglalakad sa Malate, Maynila kaninang madaling araw.
Personal na dumulog sa tanggapan ng Manila Police District (MPD)-General Assignment Section (GAS) ang biktimang si Jang Se Jong, tubong Seoul Korea at pansamantalang nanunuluyan sa Riviera Mansion sa Mabini St., Malate, Maynila.
Inaalam naman ng pulisya ang pagkakakilanlan sa mag-asawang suspek na tinatayang may edad sa pagitan ng 40-45.
Sa report ni PO2 Marlon Santos ng MPD-GAS, dakong 12:20 ng madaling araw nang naganap ang insidente sa kanto ng Mabini at Alonzo Sts., Malate, Maynila.
Sinabi ni PO2 Santos na naglalakad ang biktima galing sa 7-Eleven convenient store para bumili ng sim card para sa cellphone.
Pabalik na ito sa kanyang mansion nang dikitan umano siya ng mag-asawang suspek at kunwang binangga siya ng matandang babae subalit hindi nito pinansin.
Nang ilalagay na sana ng biktima ang binili nitong sim card sa kanyang Samsung Galaxy notebook na nagkakahalaga ng P31,000 na nakalagay sa kanyang shoulder bag nang napansin nito na bukas at nawawala na ang kanyang cellphone.
Tinangka nitong sundan ang mag-aasawa subalit mabilis itong naglaho sa lugar.
The post Turistang Korean national, nabiktima ng ‘mag-asawa’ appeared first on Remate.