Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Nangongotong na towing trucks, naglipana

$
0
0

PINAG-IINGAT ng pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista hinggil sa mga namamayagpag na mga towing trucks sa lansangan na walang kaukulang akreditasyon sa ahensiya  kung saan ang layunin lamang ng mga ito ay kotongan ang mga motoristang nasisiraan sa lansangan.

Ayon kay MMDA Traffic Discipline Office head ret. Gen. Francisco Manalo, lahat ng mga towing truck na accredited ng MMDA ay may kaukulang sticker ng ahensiya kung saan nakalagay din dito ang pangalan ng kompanyang nagmamay-ari nito.

Ayon pa kay Manalo, nakasabit din ang certificate of accreditation sa mga towing trucks na may pahintulot sa kanilang ahensiya, pati na ang taripa o kaukulang halaga na dapat bayaran ng mga nahahatak na motorista, batay na rin sa bigat at laki ng sasakyan na kanilang mahahatak.

Sa unang apat na kilometro mula sa lugar na pinaghatakan hanggang sa impounding area, sumisingil ng P1,500 ang mga accredited towing company at karagdagang P200 sa bawa’t karagdagang isang kilometro.

Ayon kay Manalo, sadyang mataas ang itinakda nilang singil sa mga mahahatak na sasakyan upang matuto ang mga motorista na tiyakin munang nasa maayos na kondisyon ang kanilang sasakyan bago nila ilabas sa lansangan

The post Nangongotong na towing trucks, naglipana appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>