POSIBLENG ulanin ang nakatakdang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Aquino bukas ng hapon Hulyo 22, 2013 (Lunes).
Ito ang sinabi ng Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration (PAGASA) dahil sa inaasahang maulap na papawirin ang magaganap sa Metro Manila.
Ayon kay Gladys Saludes weather forecaster ng Pagasa inaasahan ang mahinang pag-ulan bukas ng hapon sa araw mismo ng SONA ni Pangulong Aquino dahil sa convergence ng hangin sa kaulapan.
Sinabi pa ni Saludes na dahil din sa pagiging aktibo umano ng thunder storm kung kaya inaasahan ang mahinang pag-ulan sa Metro Manila partikular na sa Quezon City.
Nabatid pa kay Saludes na inaasahan ang mahinang pagbuhos ng ulan sa hapon.
Wala naman nakikitang sama ng panahon ang Pagasa sa araw mismo ng SONA ng Pangulong Aquino.
The post SONA ni Pangulong Noy uulanin appeared first on Remate.