SAMPUNG pulis ang nasaktan habang siyam na aktibista naman ang dinampot sa naganap na sagupaan sa pagitan ng awtoridad at militant groups bago ang ika-apat na State of the Nation Address ni Pangulong Noynoy Aquino kaninang tanghali (Hulyo 22).
Nabasag ng mga protesters ang ikinasang police barricade sa Commonwealth Avenue matapos na tumangging magbigay ang local na pamahalaan ng permit to rally sa grupo ng mga aktibista.
Sinira ng mga protesters ang bakod na naghihiwalay sa northbound at southbound lanes sa Commonwealth Ave. at nagmartsa sa southbound lane, na nagdulot ng pagsikip ng daloy ng trapiko sa lugar at ginulat ang mga nakaposisyon na mga police personnel.
Sinalubong ang mga protesters ng mga police personnel na may hawak ng lobo at bulaklak matapos sirain ang mga barriers sa Old Balara area. Gayunman, inisnub nila ang pagharang ng kapulisan na makalapit ng paunti-unti sa Batasan Pambansa.
Samantala, hinikayat ng Malacañang ang mga protesters na nasa Commonwealth Avenue “to exercise discipline and sobriety as they exercise their right to peacefully assemble.”
“We call on all of them to bear in mind the inconveniences their actions may cause the general public. We remind our countrymen that sticks and stones and violent confrontation are not the hallmarks of peaceful assembly,” pahayag ni Presidential spokesman Edwin Lacierda.
The post 10 parak nasaktan, 9 aktibista hinuli sa pre SONA protest appeared first on Remate.