AABOT sa tatlong pulis at 8 sibilyan ang nasugatan matapos magkagirian at magkapaluan ang mga raliyista at pulis sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Aquino kaninang umaga Hulyo 22, 2013 (Lunes).
Ayon sa ulat nagtamo ng sugat sa ulo mula sa tumamang bato at palo sa kanilang katawan ang mga nasugatang biktima matapos magkagirian ang mga raliyista at mga pulis sa kahabaan ng Commonwealth Avenue, Brgy. Commonwealth, QC malapit sa St. Peter Church dakong 11:00 ng umaga.
Nabatid sa ulat na habang nagkakagirian ang hanay ng mga raliyista at mga pulis umulan naman ng bato mula sa mga hindi kilalang suspek dahilan para masugatan ang mga biktima.
Agad naman nilapatan ng paunang lunas ng Philippine Red Cross at Quezon City Rescue ang mga nasugatan bunga ng naganap na girian ng mga pulis at mga raliyista.
Kaugnay nito isa naman ang inaresto ng mga pulis na umano’y hinihinalang kasama sa mga nambato sa hanay ng mga pulis at dinala sa Quezon City Police District station 6 Batasan at nakatakdang sampahan ng kaso.
The post 3 pulis, 8 sibilyan sugatan sa girian ng mga raliyista at mga pulis appeared first on Remate.