PATAY ang magbobote’t diyaryo matapos pagbabarilin ng parak na sumita umano sa panghahabol ng baril ng una sa kaaway sa Caloocan City Linggo ng hapon, Hulyo 21.
Dead on the spot sanhi ng mga tama ng bala sa katawan si Nicasio Rosello, 42 ng Paros Alley ng lungsod.
Sumuko naman sa mga kabaro si PO2 Fernante Zapanta, nasa hustong gulang, kalugar ng biktima at nakatalaga sa Police Community Precinct 5 ng Malabon City Police.
Sa ulat, dakong alas-4 ng hapon, hinabol umano ng baril ng biktima ang isang alyas Balong sa tapat ng bahay ng mga Rosello na naging dahilan upang sitahin ng suspek na nakabunot na ng baril.
Sa halip na sumuko ay tinangka umano ng biktima na itutok ang dalang baril sa parak na naging dahilan upang unahan at pagbabarilin ng suspek.
Nakuha sa pinangyarihan ng insidente ang kalibre .38 na dala umano ng suspek subalit pinabulaanan ito ng mga kaanak ni Rosello at wala umanong baril ang kanilang kaanak dahil magbobote at diyaryo lamang ang trabaho ng nasawi.
Kasalukuyan nang iniimbestigahan ang nasabing pamamaril upang malaman kung totoo ang sinasabi ni Zapanta.
The post Magbobote kumasa sa parak, tigbak appeared first on Remate.