AGAD namatay ang hinihinalang magnanakaw makaraang barilin habang natutulog sa JM Basa St., Iloilo City.
Kinilala ang biktima na si Harold Estereha, may tama ng bala sa ulo at iba pang parte ng katawan mula sa .45 caliber pistol.
Nabatid na natutulog ang biktima nang mapadaan ang suspek at kaagad itong binaril sa ulo.
Agad namang tumakas ang suspek at sumakay sa Jaro CPU.
Ang biktima ay isang buwan pa lang na nakalabas sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).
Hinihinala ang pulisya na ang pamamaril ay kaugnay sa pagnanakaw ng biktima na ang kadalasang binibiktima ay mga kotse.
The post Magnanakaw binoga, todas appeared first on Remate.