LASOG ang katawan ng hindi pa kilalang lalaki matapos mabundol at magulungan ng pampasaherong bus habang tumatawid sa Caloocan City, Linggo ng gabi, Hulyo 21.
Dead on the spot ang biktimang tinatayang nasa edad 50 hanggang 55, may taas na 5’6” at katamtaman ng pangangatawan.
Sumuko naman sa mga pulis si Lorenzo Navarette, 50 driver ng Baliwag Bus (CVS-422).
Sa ulat, 9:15 kagabi, tumatawid ang biktima sa M.H. Del Pilar St., 4th Avenue nang masagi ng bus ng suspek.
Pagbagsak ng biktima ay nagulungan pa ng hulihang gulong ng bus na naging dahilan ng agad na kamatayan.
Inaalam na ng mga pulis kung sino ang biktima na walang nakuhang pagkakakilanlan sa suot na damit.
The post Kelot lasog sa bus sa Caloocan appeared first on Remate.