Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

P1-M naabo sa sunog sa Kyusi

$
0
0

AABOT sa P 1 milyon halaga ng mga ari-arian ang naabo sa sunog na naganap sa Brgy. Bagong Silangan, Quezon City kaninang umaga Hulyo 23, 2013 (Martes).

Ayon kay Quezon City Fire Marshall Supt. Jesus Fernandez nagsimula ang sunog  sa no. 41 Grant Street, PhilInvest 2 Bagong Silangan, QC dakong 10:49 ng umaga.

Sinabi pa ni Col. Fernandez na nagsimula ang sunog sa basement ng isang 2-storey residential house sa inuupahan bahay ng isang Atty. Rommel Cancio.

Nabatid pa sa fire marshall ng QC na wala ang pamilya ni Cancio nang maganap ang sunog at naiwan lamang ang mga trabahador na gumagawa ng kulungan ng mga alagang  aso.

Ayon pa kay Fernandez posibleng nagsimula ang sunog sa welding machine na nag-short circuit na siyang pinagmulan ng apoy at umabot sa ikatlong alarma.

Wala naman iniulat na nasugatan o nasawi sa naturang sunog.

The post P1-M naabo sa sunog sa Kyusi appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>