Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Vendor pinatay ng nangmolestiya sa anak

$
0
0

PATAY ang isang padre de pamilya matapos itong saksakin ng isang lalaki na umano’y nangmolestiya sa kanyang anak kaninang umaga sa Tondo, Maynila.

Si Rosalio Alan Dion, 45, vendor sa Divisoria at naninirahan sa 259 Area A, Gate a Parola, Tondo, Maynila ay namatay habang ginagamot sa Gat. Andres Bonifacio Hospital sanhi ng tinamong tama ng saksak sa katawan.

Tumakas naman ang suspek na nakilalang si Alendro Inquig, 30, ng Gate 1 Area A, Pier 2, Parola, Tondo, Manila na tumakas matapos ang insidente.

Ayon kay PO3 Jonathan Moreno ng Manila Police District (MPD)-homicide section, dakong 8:00 ng umaga nang naganap ang insidente sa harapan ng bahay ng suspek.

Nauna rito, nagsumbong umano ang biktimang si Grace, 14, sa kanyang ama na minolestoya siya ni Inquig habang mahimbing na natutulog ganap na alas 4:30 ng madaling araw sa kanilang bahay habang nagtitinda sa Divisoria ang kanyang magulang.

Nagalit naman ang ama sa narinig sa kanyang anak kaya sumugod ito sa suspek at kinompronta na nauwi sa pagtatalo at humantong sa pananaksak.

Ang suspek ay matagal na umanong kakilala ng biktima dahil kaibigan ng una ang anak na lalaki ng biktima.

Malaya rin umanong nakakalabas masok sa bahay ng biktima ang suspek kaya tiwala silang hindi magagawa ito ng suspek.

Ang bangkay ng biktima ay kasalukuyang nakalagak sa Universal Homes para sa safekeeping at awtopsiya.

The post Vendor pinatay ng nangmolestiya sa anak appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>