Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

4 sugatan sa salpukan ng van at truck

$
0
0

APAT ang nasugatan makaraang magsalpukan ang isang L-300 van at truck sa  U.P. Diliman, Quezon City kaninang madaling araw Hulyo 23, 2013  (Martes).

Ayon kay Police Aide Romy Ranges ng Quezon City District Traffic Enforcement Unit Traffic Sector 3 naganap ang insidente  sa  C.P. Garcia, U.P. Diliman, QC dakong 4:00 ng madaling araw kanina.

Sinabi ni Ranges na isinugod ang mga biktima sa pinakamalapit na ospital na pawang hindi pa nakilala.

Nabatid sa ulat na tinatahak ng L-300 van (RBD-581) ang kahabaan ng C.P. Garcia, U.P. Diliman nang sumalpok ito sa isang truck (WML-749).

Ayon sa ulat, nasugatan ang mga sakay ng naturang van kasama ang driver nito matapos ang salpukan.

Sinisiyasat pa ng mga tauhan ng QC traffic ang naturang insidente.

The post 4 sugatan sa salpukan ng van at truck appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>