Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

2 rapists ng 15-anyos na bagets arestado

$
0
0

ARESTADO sa follow-up operation ng mga tauhan ng Pasay police ang dalawang suspek sa pagdukot at panghahalay sa 15-anyos na 3rd year high school student makaraang matunton ng mga awtoridad ang taksing pinagsakyan sa biktima sa Pasay City.

Positibong kinilala ng biktima na itinago sa pangalang “Rica Joy” ang suspek na si Edgar Deguilla, 42,  unang nadakip sa tinutuluyan niyang bahay sa 201 Int. P. Santos St., Malibay  na isa sa dumukot at humalay sa kanya habang inaalam pa ng pulisya kung kasama sa krimen ang isa pang nadakip na suspek na si Donato Quares, 36 na naaresto sa kanyang tirahan sa 394 Malungin St. Pasay.

Batay sa imbestigasyon nina SPO1 Carmencita Mejias at PO1 Christina Villanueva ng Women and Children’s Protection Desk ng Pasay police, kalalabas lamang sa isang establisyimento sa Taft Avenue ang biktima alas-12 ng tanghali noong araw ng Sabado nang harangin ng dalawang suspek.

Nilapitan ng isa sa mga suspek ang biktima at bigla na lamang sinuntok sa sikmura habang sinampal naman siya ng isa pa at puwersahang kinaladkad papasok sa loob ng compartment ng isang taksi.

Halinhinang hinalay ng mga suspek ang dalagita bago pinababa sa C, Raymundo St. sa Pasig City malapit sa isang gasolinahan kung saan siya natunton ng kanyang mga magulang.

Napag-alaman na habang patungo sa pagamutan ang biktima, kasama ang kanyang ama, namataan ng dalagita ang dalawang suspek na sakay ng isang taksi (TYF-399) sa kahabaan ng Libertad St.

Kaagad na iniutos ni Pasay City Police Chief  Senior Supt. Rodolfo Llorca ang pagtunton sa operator ng naturang taksi hanggang sa madakip ang dalawang suspek na kapwa driver ng El Pueblo Taxi na ginamit ng mga suspek sa pagdukot at panghahalay sa dalagita.

The post 2 rapists ng 15-anyos na bagets arestado appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>