INIREKLAMO sa Manila Police District-General Assignment Section (MPD-GAS ang isang barangay chairman na nanampal ng dalawang binatilyo sa Pandacan, Maynila.
Personal na dumulog kasama ang kanilang mga magulang ang mga biktima na sina John, 13, Grade 7 sa Manuel Roxas High School at Robert, 15, Grade 5 sa Bagong Barangay Elem. School upang ireklamo si Barangay Chairman Edumundo S. Tojon, ng Brgy.844 Zone 92 ng Distrito 6.
Sa reklamo ng mga biktima, may hinahabol umano si Tojon na mga batang pasaway nang makita sila nito at bigla na lamang silang sinampal at pinakitaan ng baril.
Nagbanta pa umano ang punong barangay na tutuluyan o papatayin nito ang mga biktima kapag nahuli, aniya, nito ang mga pasaway na bata.
Ayon naman sa mga magulang ng mga biktima, payag naman, aniya, silang pagsabihan ang mga bata na umano’y sinasabing pasaway subalit huwag lamang silang sasaktan at tatakutin.
Gayunman, dahil lagi umanong ginagawa ng punong barangay na pinag-iinitan ang mga bata sa kanyang nasasakupan tuwing nalalasing ay minabuti na lamang nilang magtungo sa pulisya upang magreklamo.
Nakatakdang sampahan ng kasong child abuse ng mga magulang ng biktima si Tojon.
The post Tserman inireklamo sa pananakit sa 2 bata appeared first on Remate.