Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Bibitaying OFW sa Saudi Arabia, lalaya na – VP Binay

$
0
0

MAKALALAYA na ang isang Overseas Filipino Worker (OFW) makaraang lumagda sa isang kasunduan ang pamilya ng biktima na napatay ni Rodelio “Dondon” Lanuza sa Saudi Arabaia, ayon kay Vice President Jejomar Binay.

Una rito, nakatanggap ng mensahe na si Lanuza na naghain na ng “legal waiver” ang pamilya ng Saudi national na kaniyang napatay noong 2000 para iurong ang kaso.

Tinukoy pa ni Binay na inaayos na lamang ang final release order mula sa korte para makalaya ang kababayan na una nang nahatulan ng bitay at hiningan ng blood money.

Ito rin ang kumpirmasyon na natanggap ng bise Presidente mula kay Ambassador Ezzedin Tago na sinasabing tinanggap na ng pamilya ng naging biktima ng OFW ang blood money para tuluyang maabswelto sa mabigat na parusa.

Dagdag pa ni Tago, inatasan na rin ni Sheikh Ibrahim Al-Sayyari, ang head ng Dammam Grand Court, ang administrative supervisor na ihanda ang endorsement para agad na malagdaan din ng magkabilang partido.

Kaugnay nito, umapela na lamang ang opisyal sa pamilya Lanuza na maging mahinahon dahil ginagawa na aniya ng gobyerno ang kaukulang tulong para sa paglabas sa kulungan ng OFW.

The post Bibitaying OFW sa Saudi Arabia, lalaya na – VP Binay appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>