Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Manhunt operation vs rapist na American national, inilunsad

$
0
0

NAGLUNSAD na ng manhunt operation ang Bacolod City Police Office at Federal Bureau of Investigation (FBI) laban sa American national na naghalay sa isang menor de edad sa Bacolod City.

Kaugnay nito, kumpirmadong wala na sa lungsod ng Bacolod ang American national na sinasabing nanghalay sa menor de edad na anak ng kaniyang live-in partner na Pinay.

Ayon kay Bacolod Alien Control officer Mita Chuvy Arguelles, ang suspek na kinilalang si Donald Scott Coleman, 59, residente ng Illinois, USA, at isang retiradong empleyado ng US government ay huling pumasok sa lungsod noong Oktubre 6, 2012 at umalis noong Abril 9, 2013.

Ito ay nangangahulugang nakaalis na sa lungsod si Coleman bago pa man ipinalabas ni Bacolod RTC Branch 43 Judge Philadelfa Agraviador ang warrant of arrest nito sa kasong rape matapos hinalay ang 12-anyos na anak ng live-in partner nito na residente ng Barangay Granada.

Nasagip ang dalagita ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Women and Children’s Protection Desk kasunod nang ibinigay na impormasyon ng ilang kamag-anak ng biktima.

Ayon sa pulisya ayaw makigpagtulungan sa kanila ng ina mismo ng bata.

Napag-alaman na noong Martes, dumating ang dalawang agents ng Federal Bureau of Investigation (FBI) at nakipag-ugnayan sa Bacolod City Police Office (BCPO) upang mag-ipon ng impormasyon laban kay Coleman na mayroon ring dalawang kaso ng rape sa Amerika.

Kinumpirma ni Bacolod City police spokesman Supt. Armando Tubongbanua na pumunta sa tanggapan nila at nakipag-unayan ang naturang mga FBI agents.

Ang suspek ay nahaharap din sa two counts of rape sa America ngunit nakauwi sa Bacolod City kasama ang kaniyang live-in partner na isang Bacoleña.

The post Manhunt operation vs rapist na American national, inilunsad appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129