PATAY ang isang binata matapos magbigti sa loob ng bahay ng kapitbahay sa Valenzuela City Huwebes ng gabi, Hulyo 25.
Dead on arrival sa Valenzuela General Hospital si Gervy Marcelo, 20, ng Coloong 1, nabanggit na lungsod.
Sa ulat, alas-6 ng gabi nang makita ni Patrick Anicito ang biktima na nakabigti ng nylon cord sa bahay ng una sa nasabing lugar.
Agad na kinalag at dinala sa VGH ang biktima bago sinabihan ang mga kaanak ni Marcelo sa pangyayari.
Nabatid na kinalasan ng nobya ang biktima na naging dahilan upang magbigti.
Inaalam pa rin kung may foul play sa pagkamatay ni Marcelo.
The post Hiniwalayan ng syota, nagbigti sa bahay ng kapitbahay appeared first on Remate.