HALOS nadurog ang buto sa katawan ng isang lalaki habang sugatan naman ang kaangkas nito nang suwagin ng pampasaherong bus ang kanilang motorsiko sa Ilocos Sur kaninang umaga (Hulyo 26).
Dead on the spot sanhi ng pinsala sa ulo at katawan ang biktimang si Renato Inigo Manzano, driver ng motorsiklo.
Nabalian naman ng buto sa paa ang backrider nitong si Oscar Gambon, kapwa ng Baranga, Lintik, Banayoyo.
Nahuli naman agad at nakakulong na sa Tagudin PNP ang bus driver na si Joy Gorospe Raquepo at sasampahan ng kaukulang sakdal.
Sa ulat ng Vigan PNP, naganap ang insidente alas-6:45 ng umaga sa national highway ng Barangay Bitalag, Tagudin.
Bago ito, binabaybay ng bus at ng motorsiklong minamaneho ni Manzano ang pahilagang direksyon ng kalsada nang mag-U turn ang mga biktima.
Sa bilis ng pangyayari, hindi na nailagan ng bus driver na hindi nakuha ang pangalan ang motorsiklo at sinuwag nito ang motorsiklo.
Sa lakas ng pagkakasuwag, tumilapon ang mga sakay sa motorsiklo at humampas naman ang katawan ni Manzano sa windshield ng bus.
Naisugod sa Tagudin General Hospital si Manzano ngunit namatay habang nilalapatan ng lunas.
Ginagamot pa rin si Gambon sa Regional Distrcit Hospital dahil sa mga sugat at baling paa.
The post Rider humambalos sa windshield, todas appeared first on Remate.