Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

2 patay sa shootout sa North Cotabato

$
0
0

Tacurong City, Sultan Kudarat – Kumpirmadong dalawa katao ang namatay sa shootout sa pagitan ng PDEA-ARMM kasama ang 7th IB ng Philippine Army at mga drug pushers sa Barangay Batulawan, Pikit, North Cotabato, pasado alas-sais ng umaga kanina.

Ang dalawang napatay na suspek ay kinilalang sina Raymund Timan, alyas Menu at Titin Alba, alyas Teo,at pawang notoriousdrug pushers,  at gun for hire at nasa watchlist na ng Pikit PNP.

Sa ulat ng operatiba ng PDEA-ARMM, kinuha ni Timan ang mga armas sa kanyang cabinet at babarilin na sana sila habang papalapit sa lugar kaya napilitan ang mga awtoridad na paputukan ito.

Kaugnay nito, pinaputukan din ni Alba ang backup team ng PDEA gamit ang kalibre 45 na baril na namatay matapos gantihan ng putok ng operatiba.

Nakuha sa dalawa ang higit sampung gramo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng isang daang libong piso.

Narekober din sa mga suspek ang isang 38 revolver pistol, isang cz 9mm pistol, isang m16 rifle na may kasamang 13 m16 magazine, isang kj 9mm sub machine gun na may isang magazine at tatlong granada.

The post 2 patay sa shootout sa North Cotabato appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Trending Articles


Love Quotes Tagalog


HOY PANGIT, MAGBAYAD KA!


Girasoles para colorear


Presence Quotes – Positive Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Top 10 Best “Single” Tagalog Love Quotes


“Mali man na ikaw ay ibigin ko, akoy iibig padin sayo”


RE: Mutton Pies (frankie241)


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Pokemon para colorear


Sapos para colorear


The business quotes | Inspirational and Motivational Quotes for you


5 Tagalog Relationship Rules


“BAHAY KUBO HUGOT”


Re:Mutton Pies (lleechef)


Ka longiing longsem kaba skhem bad kaba khlain ka pynlong kein ia ka...


EASY COME, EASY GO


UPDATE SC IDOL: TWO BECOME ONE



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>