Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

P2-M kinulimbat ng cashier, nabawi

$
0
0

NABAWI ng PNP-San Mateo, ang humigit kumulang P2 million cash at tseke na kinulimbat ng isang teller/cashier ng Isabela Electric Cooperative (Iselco – 1) San Mateo branch.

Kinilla ni P/C/Insp. Pilarito Mallillin, hepe ng PNP-San Mateo, ang suspek na  si Jolita Ramil, 35, dalaga at residente ng Angadanan, Isabela.

Una rito, naalarma ang tanggapan ng nasabing sangay ng Iselco dahil sa pahayag ng suspek na isa umanong lalaki ang pumasok sa kaniyang opisina at tinangay ang kanilang koleksyon na umaabot sa P2 milyon.

Agad na nagsagawa ng follow-up operation ang pulisya subalit hindi kumbinsido ang mga awtoridad na may tumangay sa pera dahil batay sa diskripsyon sa paligid ng tanggapan, iisa lamang ang pasukan at labasan nito kaya imposibleng matangay ang salapi mula sa kaha.

Dahil dito, agad kinorner ni hepe Mallillin ang teller/cashier na si Ramil at nagsagawa ng interogasyon hanggang sa mapaanim ito na siya ang kumuha sa pera at kaniyang inuwi.

Sa ngayon, nasa pangangalaga na ng pulisya ang suspek at inihahanda na ang kasong qualified theft.

Sinasabing si Ramil ay mayroon nang kasong kinakarap noon na may kaugnayan din sa pera subalit naayos nito sa pamamagitan ng kaniyang pagbabayad.

The post P2-M kinulimbat ng cashier, nabawi appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>