Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

PAF planes at PHL Navy ships, ililipat sa Subic

$
0
0

PLANO  ni Department of National Defense (DND) Secretary Voltaire Gazmin na ilipat ang mga aircraft at warships fleets sa dating US naval base sa Subic Bay sa Zambales, bilang bahagi umano nang pinapalakas na posisyon ng bansa sa West Philippine Sea.

Sinabi ng kalihim na hinihintay na lamang nila ang “relocation funds” para sa gagawing paglilipat ng mga aircraft at warships fleets.

Ayon sa ulat, lalong magiging mabilis umano ang “reaction time” ng Pilipinas sakaling manggagaling ng Subic ang eroplano o barko ng gobyerno patungo sa pinag-aagawang teritoryo.

Nitong nakaraang linggo lamang, nagkasundo ang Japan at Pilipinas na isulong ang payapang resolusyon ng territorial dispute sa China.

Magugunitang maliban sa territorial dispute ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea, tensyonado rin ang agawan ng teritoryo ng Japan at China sa East China Sea o Japan Sea.

Sa kanilang one-on-one meeting sa Palasyo ng Malacañang, nagkasundo sina Pangulong Benigno Aquino at Japanese Prime Minister Shinzo Abe na isulong ang maritime claims sang-ayon sa international law.

Ayon sa Pangulong Aquino, mahalaga ito para mapanatili ang katatagan sa rehiyon at kapwa tatamasa ng pag-unlad.

The post PAF planes at PHL Navy ships, ililipat sa Subic appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129