MAKARARANAS ng pag-ulan ang buong bansa dahil sa Low pressure area (LPA) at intertropical convergence zone (ITCZ).
Ayon sa ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), kabilang sa apektado ng namumuong sama ng panahon ay ang Metro Manila, makaraang umakyat sa Luzon ang naturang LPA.
Huli itong namataan sa layong 60 kilometro sa hilagang silangan ng San Jose, Occidental Mindoro.
Dahil dito, asahan ang madalas na pagbuhos ng ulan at posibleng pagbaha sa mga mabababang lugar.
Gayunman, malabo na umanong lumakas ang LPA para maging bagong bagyo dahil ilang uli na itong tumawid sa mga pulo ng ating bansa.
Pinaiigting naman ng ITCZ ang higit sa karaniwang buhos ng ulan sa Visayas at Mindanao.
The post LPA at ITCZ magpapaulan sa buong Luzon appeared first on Remate.