NAGPALABAS ang Philippine National Police (PNP) ng sketch ng suspek sa naganap na pagsabog sa Cagayan de Oro na ikinamatay ng pito katao at nakasugat ng 40 iba pa.
Ayon kay PNP regional director C/Supt Catalino Rodriguez Jr., ang nabuong pagkakakilanlan ng suspek ay base umano sa testimoniya ng ilang testigo.
Batay sa saksi, isa umanong lalaki na may dalang sling bag ang nagkunwaring customer at bigla ring umalis pagkalipas ng ilang saglit at dito na sumunod ang pagsabog.
Umaapela naman ang opisyal sa publiko na iwasan muna ang anumang ispekulasyon habang nagpapatuloy pa ang imbestigasyon.
Tumanggi rin si Rodriguez na magbigay ng komento ukol sa posibleng grupo na nasa likod ng pagsabog at kung ano ang motibo.
Samantala, nagsagawa ngayon ng re-enactment ang mga miyembro ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at Scene of the Crime Operatives (SOCO) kaugnay sa naganap na pagsabog.
Ayon naman kay Interior Sec. Mar Roxas, sinisiyasat na ngayon ng CDO-PNP ang nakuhang CCTV footage habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.
Tiniyak ng kalihim na gagawin ng pulisya ang lahat upang matukoy ang salarin sa deadly bombing incident.
The post Artist sketch sa suspek sa Cagayan de Oro blast, inilabas ng PNP appeared first on Remate.