NAKABALIK na sa Pilipinas ang tatlong mangingisdang Pinoy na nailigtas ng Taiwan Coast Guard sa Kaoshung Harbor, Southern Taiwan.
Kinilala ang mga mangingisda na sina Ronald Dumaran, Edwin Zoilo at Hener Mendoza na pawang mga taga Sta.Ana, Cagayan.
Matatandaan na ilang araw nagpalutang –lutang sa tubig ang mga biktima nang tangayin sila ng malalaking alon mula Babuyan Island dahil sa bagyong Huaning hanggang sa dalhin sila sa Taiwan.
Agad naman silang namataan ng Taiwan Coast guard at sila ay iniligtas, pinakain at binigyan ng gamot.
The post 3 Pinoy fishermen na nailigtas ng Taiwan Coast Guard, balik Pinas na appeared first on Remate.