ISA ang patay habang 22 ang nailigtas nang lumubog ang sinasakyan nilang motor banca sa karagatang sakop ng Surigao.
Ayon sa post ng Philippine Coast Guard (PCG) sa kanilang facebook page, lumubog ang bangkang Luigi Proilan sa bahagi ng Basol Island malapit sa Surigao City dakong alas 11:30 kahapon ng umaga.
Sakay ng motor banca ang 21 pasahero at dalawang tripulante.
Nakilala naman ang nasawi na si Maria Estrada, 52, na dinala ang kanyang labi sa Nilo Funeral Service.
Ang mga nakaligtas ay sina Freddie Eder, 28, captain; JC Ensomo, 14, crew; Charlyn Eder, 27; Levi Eder, 60′; Al Abao, 40; Amerlina Abao, 40; Apple Jane Abao, 21; Raizel Erno, 20; Marivic Erno, 49; Marcial Paña, 59; Narita Paña, 5; Herera Lisondra, 53; Condisa Estrada, 41; Jay-r Estrada, 19; Jaon Estrada, 17; Clerom Ensomo, 27; Baby Boy Estrada, 2; Kristhy Urbistordo, 22; Eric John Petallo, 24; Apple John Petallo, 24; Wendyll Rena, 4; Juanito Estrada, 19.
Ayon sa PCG, napadaan sa lugar ang cargo vessel na MV Alal Capricorn nang maispatan ang mga biktima na kumakaway at humihingi ng tulong kaya agad silang nirescue.
Agad na dinala ng MV Alal Capricorn ang mga biktima sa Surigao City Port.
The post 1 patay, 22 nasagip sa lumubog na motor banca appeared first on Remate.