Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Maguindanao-Sultan Kudarat highway, isinara dahil sa sagupaan

$
0
0

PANSAMANTALANG isinara sa mga commuters ang Maguindanao-Sultan Kudarat highway dahil sa pagsiklab na naman ng sagupaan sa pagitan ng militar at mga armadong grupo dakong kaninang madaling araw.

Ayon kay 6th Infantry (Kampilan) Division spokesman Col. Dickson Hermoso, alas-5:20 ng umaga hinarang ng mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang isang oil tanker sa Brgy. Bagan, Talayan, Maguindanao.

Mabilis na nagresponde ang pwersa ng militar hangang sa nakasagupa nito ang mga rebelde.

Maraming mga sibilyan na rin ang nagsilikas sa takot na maipit sa engkwentro.

Hanggang ngayon ay hindi pa matiyak kung may mga namatay at nasugatan sa nagpapatuloy na labanan.

Una rito, inatake rin ng BIFF dakong ala-1:00 ng madaling araw kahapon ang Sitio Mirasol Brgy Polongoguen, Midsayap, North Cotabato.

Pinagkukuha ng mga rebelde ang mga alagang hayop at mga personal na kagamitan ng mga residente.

Hinostage at ginawang human shield pa ng BIFF ang mga sibilyan para hindi makalapit ang militar at pulisya.

Bago tumakas ang mga rebelde ay binaril at napatay ang isang magsasaka habang isa naman ang nasugatan.

The post Maguindanao-Sultan Kudarat highway, isinara dahil sa sagupaan appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>