POSIBLENG maharap sa deportasyon ang mga banyagang pumapel sa protest rally at nakipagkiskisan ng siko sa police officers sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong ‘Noynoy’ Aquino nitong nakaraang linggo.
Sinabi ni BI officer-in-charge Siegfred Mison na ilalatag ang pagsisiyasat para malaman kung ang mga banyaga kabilang ang isang Dutch national na nakunan ng litrato ng tila kinukutya ang isang pulis na umiiyak, ay maaring lumabag sa Philippine immigration laws.
Sa nasabing karahasan, dinampot at kinasuhan ng pulisya ang may 10 militants, pero kinabukasan ay pinalaya rin ng city prosecutor.
Sinabi pa ni Mison na ang may hawak ng temporary visitor visas ay walang karapatan na sumali sa protest rallies, at sinabi na katumbas na rin ito ng panghihimasok sa internal affairs ng bansa.
Kung mapapatuyan, mahaharap sa kasong deportasyon ang nasabing dayuhan at maging ang iba pa na lumahok sa nasabing kilos protesta.
Isa pala lamang ang natukoy na alien activist at ito ay si Dutch citizen Thomas Van Beersum, 30, na nakunan na kinukutya ang umiiyak na si PO1 Joselito Sevilla sa kasagsagan ng protesta.
Sinabi ni BI intelligence chief Atty. Ma. Antonette Mangrobang na dumating sa Manila si Beersum bilang turista noong Hunyo 13 at pinayagan na manatili ng sa loob ng 21 araw.
The post Umepal na mga dayuhan sa SONA, iimbestigahan ng BI appeared first on Remate.