KORONADAL CITY, South Cotabato – Maituturing na ‘crime of passion’ ang trahedyang nangyari sa Martinez Subdivision, Zone 4 ng lungsod kung saan binaril ng isang tricycle driver ang kanyang ex-girlfriend.
Kinilala ang biktima na si Jocefel Antigua Parco, 24 at isang third year high school student ng Notre Dame Sienna School for girls.
Base sa imbestigasyon ng mga pulis, nagpadala ng mensahe sa pamamagitan ng text si Reynaldo Nene, isang tricycle driver, 29 at ex-boyfriend ni Parco, na magkita sila malapit sa isang tindahan.
Sa pagkikita ng dalawa habang amg mga ito’y nasa kalagitnaan ng mainitang pag-uusap, bigla na lamang binaril ni Nene ang kanyang ex-girlfriend gamit ang .22 caliber na revolver. Nagtamo ng tama ng bala ang biktima sa kanyang ulo, kamay at kaliwang paa.
Agad namang tumakas ang suspek sakay ng isang motorsiklo.
Isinugod ng kanyang pamilya ang biktima sa South Cotabato Provincial Hospital kung saan naging stable na ang kondisyon nito.
Napag-alaman din na dalawang buwan nang nagkahiwalay ang dalawa at gusto ng suspek na makipagbalikan sa biktima ngunit ayaw na ni Jocefel.
Kinasuhan naman ng ina ni Jocefel ang suspek dahil sa pagbaril nito sa kanyang anak.
The post Dalaga binaril ng ex-lover, sugatan appeared first on Remate.