NAMATAY ang dalawang kolumnista ng diyaryo matapos pagbabarilin ng dalawang ‘di pa kilalang salarin kaninang madaling araw sa Commonwealth, Quezon City.
Kinilala ng Quezon City Police District (QCPD) ang mga biktimang sina Richard Co at Bonifacio Loreto, kapwa kolumnista ng diyaryong Aksiyon Ngayon.
Sa pahayag ng kasamahan ni Loreto, nagkukuwentuhan sila sa isang tindahan nang may dumaang dalawang lalaki at sa hindi batid na dahilan bigla na lamang pinagbabaril ang mga biktima.
Hinala ng anak ni Co, posibleng may kinalaman ang kasong nailathala sa pahayagan sa pagpaslang sa ama dahil mga humihingi ng tulong sa kanila.
Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad upang madakip ang dalawang salarin.
The post 2 kolumnista binoga, patay appeared first on Remate.