Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Ginang naglaslas ng pulso

$
0
0

NAGTANGKANG magpamakamatay ang isang ginang na may dinadalang problema kaninang madaling araw sa kanyang residential commercial condo unit sa Malate, Maynila.

Nabatid na ganap 2:00 ng madaling-araw nang mapansin ni Tony Consansio, manager  ng Korean restaurant, na nagpaikot-ikot pa umano ang ginang,  na minabuting itago muna ang kanyang pagkakilanlan,  sa ibaba lamang ng kanyang tinutuluyan.

Ang biktima ay nakatira  sa ika-apat na palapag kung saan niya ginawa ang paglaslas ng pulso.

Nauna rito, napansin umano ni Consansio na nakainom ang biktima nang dumating ito sa lugar  at makalipas lamang ng ilang minuto ay bumaba ito na duguan na ang kanyang kamay.

Nang mapansin ito ng manager ay agad siyang kumuha ng towel at tinalian ang kamay ng biktima.

Gayunman, agad namang nakaresponde ang Road Rescua Group ng MMDA at pinakiusapan ang ginang na dalhin ito sa ospital ng Maynila na hawak-hawak pa ang blade na ginamit sa paglaslas.

The post Ginang naglaslas ng pulso appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129