NALAGAS sa magdamag na bakbakan ang pitong miyembro ng New People’s Army (NPA) rebels kabilang ang sekretarya ng samahan nang makasagupa nila ang tropang military sa Tarlac town kaninang umaga (Hulyo 31).
Sinabi ni Col. Henry Sabarre, Army’s 703rd Brigade commander na nagsimula ang engkwentro sa pagitan ng elemento ng 3rd Mechanized Brigade at local police laban sa may 9 na NPA rebels dakong 10 p.m. nitong Martes at tumagal ang putukan ng halos 6 ng Miyerkules ng umaga.
Nakatakas naman ang dalawa sa mga rebelde at ngayon ay tinutugis na ng awtoridad.
Naganap ang sagupaan sa isang bisinidad sa Barangay Bubong II sa Camiling town sa Tarlac, pahayag ni Sabare.
Nakarekober ang operating troops ng pitong malalakas na klase ng armas, dagdag pa nito.
Sinabi naman ni Armed Forces Northern Luzon Command public affairs officer Capt. Gina Daet, na ang hot pursuit operations ay kasalukuyang nakalatag pa at siniwerteng walang naging kaswalidad sa panig ng gobyerno.
Sa pitong napatay, isa rito ay isang babae na sinasabing isang “front secretary” at isang “leader” ng rebeldeng grupo.
Dagdag pa ni Daet na nakatanggap sila ng tip mula sa mga residente na may presensya ng NPA sa lugar nitong Martes ng gabi.
The post 7 NPA rebels, lagas sa Tarlac clash appeared first on Remate.