ANIM na Pinay ang nailigtas ng Philippine Coast Guard (PCG) na patungo sana sa Sabah para maging undocumented OFW.
Ayon sa PCG, humingi ng tulong sa PCG Palawan ang mister ng isang biktima na si Rodel Ignacio na nagresulta ng pagkakasagip ng mga biktima.
Nasa edad 22 hanggang 30 ang mga ito at nanggaling sa Pampanga, Bulacan at Muntinlupa.
Sa kanilang salaysay, pinangakuan sila ng recruiter na si Mary Jane Alfonso Perez ng trabaho sa Malaysia.
Sinamahan din umano sila ni Perez na makarating ng Palawan mula Maynila.
Dinala ang mga biktima sa Bataraza kung saan naghihintay ang isang motorbanca na sasakyan ng mga biktima kasama ang tatlong lalake na magpupuslit sa kanila sa Sabah.
Subalit sa gitna ng paglalayag, napilitan silang humimpil sa Mangsee Island dahil sa malalakas na alon, dahilan para ma-stranded sila ng dalawang araw.
Pinaghahanap naman ang illegal recruiter na nambiktima sa anim na babae.
The post 6 Pinay na biktima ng human trafficking, narescue appeared first on Remate.