LAOAG CITY – Patay ang isang ginang nang pagbabarilin ng motorcycle ridingmen sa harap ng kanyang anak sa isang gasoline station sa Barangay Buttong, Laoag City kamakailan.
Ang biktimang dead on arrival sa Laoag City General hospital ay nakilalang si Leonida Benito, 60, ng nasabing barangay.
Ayon sa report ni Laoag City deputy chief of police Chief Inspector Leland Benigno, ang biktima ay nasa gasoline station upang sunduin ang kanyang anak na nagtratrabaho bilang cashier sa nasabing establishment.
Habang nakatayo ang biktima sa harap ng gasolinahan, biglang sumulpot ang dalawang hindi pa nakikilalang mga suspect at walang sabi-sabi itong pinagbabaril.
Mabalis na tumakas ang mga suspect matapos ang insidente.
Naka-recover ng apat na basyo ng .45 pistol ang lokal na police sa pinangyarihan ng insidente.
Patuloy na nagsasagawa ng follow-up investigation ang Laoag City Philippine National Police.
The post Ginang binaril ng motorcycle riding men, patay appeared first on Remate.