Update: HINDI lang isa kundi dalawang mamahayag ang pinatimbuwang ng kilabot na motorcycle in tandem sa Quezon City kaninang madaling araw (Hulyo 31).
Nagtamo ng tama ng bala ng kalibre 45 at 9mm pistol sa iba’t ibang bahagi ng katawan at namatay noon din ang mga biktimang sina Bonifacio Loreto, publisher ng Aksyon Ngayon weekly newspaper at ang kanyang kolumnistang si Richard Kho.
Wala pang ideya ang mga tauhan ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), kung sino ang nagkasa ng pangaambus pero malamang na ang motibo ay mag kaugnayan sa kanilang linya ng trabaho.
Sa ulat, nanagap ang insidente dakong 10:45 nitong Martes ng gabi sa tapat ng bahay ni Loreto sa Pilot Drive sa Barangay Commonwealth, Q.C.
Bago ito, naguusap sina Kho at Loreto sa tapat ng bahay nito nang biglang lapitan ng dalawang armadong suspect na nakamotorsiklo at saka pinagbabaril bago nagsitakas.
Si Kho ay may kolum sa nasabing diyaro na pinangalanan na Clear shots habang si Loreto naman ay may titulo na Bicol Express na siya rin publisher nito.
Huling lumabas ang tabloid newspaper ni Loreto noong nakaraang Marso 2013 at tinatalakay sa kolum ng dalawang tirador na kolumnista ay political issues.
Naniniwala ang anak ni Kho na Richelle na ang pagpatay sa kanyang tatay at work relate dahil marami na ang nasasagasaan na mga katiwalian sa gobyerno.
Nakarekober ang CIDU ng basyo ng .45-caliber at 9 millimeter pistols sa crime scene.
The post Tabloid publisher, kolumnista, tigbak sa motorcycle riding men appeared first on Remate.