PINALAYA na ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang isang titser ng Western Mindanao State University na dinukot noong Enero 22 sa Zamboanga City.
Sinabi ni Philippine Marines Col. Jose Noriel Senabre, hepe ng Task Force Sulu, na ang binihag na si Al Rashid Roxas ay pinalaya kaninang madaling araw sa (Hunyo 31).
Narekober si Roxas sa pier ng Jolo na hinang-hina kaya dinala agad sa ospital para sa kaukulang medical treatment.
Hindi pa masabi ni Senabre kung may ransom na ibinayad ang mga kamag-anak ni Roxas at kung ano ang motibo sa pagdukot.
The post Dinukot na teacher sa Zamboanga, pinalaya na ng ASG appeared first on Remate.