Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Kotong cops sa mga jeepney driver, gumagamit ng ‘Color coded’ sticker – Moreno

$
0
0

ILANG pulis ang nangongotong sa mga jeepney driver na gumagamit ng “color coded” sticker sa lungsod ng Maynila.

Ito ang ibinunyag ni Manila Vice Mayor Isko Moreno base na rin sa kuha ng closed circuit television (CCTV) camera.

Ipinakita ni Moreno ang sistema ng pangongotong kung saan naka-batay ang kotongan sa kulay ng sticker na nakakabit sa jeep.

Ayon kay Moreno, ang bawat pulis ay may naka-assign na kulay at sa mga naturang jeep lang sila maaaring humingi ng kotong.

Halimbawa aniya, kung kulay green ang sticker ng jeep, ay hindi maaring mangotong ang pulis na naka assign sa kulay blue na sticker.

Ang pangongotong ng mga pulis ay isa lamang sa nais ng lokal na pamahalaang lungsod na linisin.

Kaugnay nito, sinabi naman ni Manila Mayor Joseph Estrada na tutukan nila ang disiplina sa mga jeepney driver gaya ng tamang pananamit at tamang pagsakay at pagbaba ng mga pasahero.

Paliwanag ng alkalde, upang mas kaaya-aya sa mga turista ay kailangang nakabihis ng maayos ang mga tsuper, kung saan bawal na aniya ang nakasando at nakatsinelas.

Agad naman itong tinutulan ng mga jeepney driver dahil hindi sila komportable na magsuot ng sapatos habang nagmamaneho.

Ayon sa lokal na pamahalaan ng Maynila, magkakaroon muna ng dry run bago ang mahigpit na pagpapatupad ng regulasyon.

The post Kotong cops sa mga jeepney driver, gumagamit ng ‘Color coded’ sticker – Moreno appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>