HINDI pagkabagok ng ulo ang ikinamatay ng isang construction worker kundi nalunod ito nang mahulog sa tinatayong tulay at bumagsak sa ilog sa Camarines Norte kaninang umaga (Hulyo 31).
Pinaglalamayan na ngayon ang labi ng biktimang si Arnold Caña, 41-anyos, sa kanyang bahay sa Concepcion Pequeña, Naga City.
Sa ulat, naganap ang insidente dakong 9:45 ng umaga sa isang ginagawang tulay sa Barangay Tugos, Paracale, Camarines Norte.
Ayon kay PO1 Joel Malubay ng Paracale PNP, bago ang insidente ay nagtatrabaho ang biktima sa ilalim ng Tugos Bridge nang biglang inabot ng pagtaas ng lebel ng tubig ang inaapakan nitong kahoy kaya ito nadulas at mahulog sa ilog.
Sa kamalasan, napag-alaman na hindi ito marunong lumangoy kaya hindi na ito nakaahon pa mula sa ilog.
Katuwang ng Philippine Coast Guard at mga residente ng barangay ay naiahon ang bangkay ng biktima na nagtagal ng apat na oras dahil nasa high tide ang ilog.
The post Obrero nahulog sa tulay, nalunod appeared first on Remate.