Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

LTFRB-MMDA, nakasilo ng colorum buses

$
0
0

HINULI sa kalsada kaninang umaga (Agosto 1) ang ilang colorum at out-of-line buses sa pagsisimula ng kampanya ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board at Metropolitan Manila Development Authority laban sa nasabing mga behikulo.

Sinabi ni LTFRB Chairman Winston Ginez na ang target ng nasabing operasyon na tinaguriang Oplan Goliath, ay ang mga pampasaherong bus na pumapasok sa Metro Manila na mula sa mga probinsya sa kabila ng kakulangan ng prangkisa.

“Ito ginagawa natin Oplan Goliath para mapuksa ang problema natin sa colorum,” pahayag ni Ginez.

Ang mga nasabing mga bus ang siyang dahilan kung bakit nagsisikip ang trapiko sa Epifanio delos Santos Avenue at iba pang major thoroughfares sa Metro Manila.

Gumamit ang LTFRB-MMDA teams ng mga laptops para makatulong na maikumpara ang license plate and body numbers ng mga bus sa database.

Sa ulat, alas 7 pa lang ng umaga ay nakasilo na agad ang LTFRB at MMDA teams ng mga bus sa ilang parte ng EDSA at Balintawak. Nagdulot ang operasyon ng masikip na daloy ng trapiko.

Ikinasa ang naturang operasyon nang hindi papasukin ng Manila city government ang mga colorum buses sa kanilang lunsod.

The post LTFRB-MMDA, nakasilo ng colorum buses appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>